moment of clarity

warning: this contains truth and fiction. the lines are meant to be extremely blurred.

Thursday, May 12, 2005

Taga-UP Ako

Mahal ko ang UP. Mahal ko ang UP hindi lang dahil "premiere State U" daw ito. Mahal ko ang UP kase dito ko nakita na may potensyal pala ako...na maging mahusay, na unawain ang pangangailangan ng ibang tao, na magalaga ng pagkakaibigan, na umibig nang tapat at lubusan, na magkaroon ng silbi sa ginagalawan kong komunidad. Hindi ko pinagmamalaki na UP ako dahil matalino daw ang mga tao dito. Masaya ako na taga-UP ako dahil matindi and passion ng mga taga-dito. Emotions are more vivid and tangible.

Unang matinding emosyon ko bilang UP student ay takot, takot sa Math 17. Tumpak, mukhang walang saysay ngayon pero totoo at matindi ang takot na yan dati. Midterm exam noon, departmental. Nasa Institute of Physics ako, tapos na ang exam pero hindi ko pa rin alam ang mga formula. Akala ko wala akong alam, meron naman pala pero konti lang kung ikukompara sa alam ng mga kaklase ko noon. Di mataas ang nakuha ko pero bumawi ako sa Finals. Hindi ganun kasing imporatante ng classcard ko dun ang natutunan ko- kaya ko pala tapusin nang maayos ang isang bagay kung susubukan ko. Confidence, yan ang natanggap ko kasabay ng Math 17 classcard.

Isang taon sa Engineering tapos nagdesisyon ako lumipat. Buti na lang, hindi pumalpak ang desisyon ko na lumipat agad. Discernment kaya yun o swerte. Parang ang bilis lang ng Political Science. Mabilis pero eventful. Dun ko natutunan kung paano ang discourse dito sa UP, kung paano bumuo ng opinyon at kung bakit dapat bigyang respeto ang opinyon ng iba. Dun ko rin nalaman na kaya kong maging responsable, para sa sarili ko at sa organisasyong kinabibilangan ko. May halaga pala ang mga prinsipyo ko at may makikinig sa akin kung gugustuhin ko. Sinubukan ko magsulat at magsalita, mayroon namang nagbasa at nakinig.

Dahil dun naisip kong kailangan pakinggan ko rin ang sarili ko. Valid pa ba ang mga pinaniniwalaan ko? May basehan ba ako? Ano ang nasa kabilang banda? Masarap ang pakiramdam na matutong makialam sa lipunan, sa mga taong walang boses, ginusto man nila o hindi. At, cliche man, dun ko naintindihan ang sinasabi na, 'There is hope in the youth'. Totoo yun dahil ideal kapag bata. Mas matapang, mas inspirado dahil hindi pa na-disillusion nang hirap at lungkot ng pagtanda.

Matapang. Minsan matapang at mapusok, sa iba't ibang bagay. Sa UP ko nakita na kailangan marunong ka mag-isip para sa sarili mo. Dito kase, binibigyan ka ng o nahahanap mo ang kalayaang pumili. Maraming pagpipilian. Minsan sa sobrang kalayaan, naliligaw. Ang mahirap na parte ay ang pag-amin sa sarili naliligaw ka na nga at ang pagdedesisyon na kailangan mo nang iwasto ang mali. Madalas kasi relative ang mga bagay-bagay. Katulad nang lahat ng tao, maraming options ang inihahain sa'yo kapag nasa UP ka. Ang diperensya siguro, mas nagiging aware tayo. Mulat.

Paminsan ang kamulatan na iyan ang hindi natin ma-handle. Napapangunahan tayo ng emosyon o kaya ay nauubusan ng pasensya. May mga tao na sa sobrang kagusthang tumulong ay agad na nagdedesisyon na kumilos sa drastic na paraan. Hindi ko sila masisisi dahil nakakalugmok naman talaga ang mga realizations tungkol sa kalagayan ng society...at ang katotohanan na walang sapat na ginagawa para mabago iyon o hindi lahat ay may ginagawa. Mayroon di naman pumipiling tumulong at gamitin ang talino at kamulatan na bigay ng Unibersidad sa paraang mabagal, kahit wala itong kasiguruhan. Isa ako dun at maswerte akong matinding kaalaman ang nakukuha ko mula sa UP, sa pamamagitan ng pag-aaral ng batas.

Iba pala talaga ang kapangyarihan ng batas. Pervasive. Hindi ito limitado sa ginagalawan nating lipunan. Pinapasok nito pati ang tahanan, ang kaisipan, at ang pagkatao. Very potent and vast, the law is. Kaya naman malaking tulong sana kung ito ay magagamit sa pag-empower ng mga tao. Matindi ring kasiraan ang pwedeng dalhin nito kung gugustuhin na gamitin sa pangaabuso at panlilinlang. Nandito ako sa punto na mahalaga ang mga desisyong gagawin ko. Buti na lang nabibigyan ako ng pagkakataong halungkatin ang nasa likod ng mga pangyayari at hindi makita ang nasa ibabaw lang.

Minsan nakakatakot din na malaman ang mga bagay na hindi alam ng nakakarami. Mabigat ang responsibilidad. Hindi kasi madaling magkunwari na lang na walang dapat ayusin, na wala kang magagawa, na mas mabuting panoorin mo na lang at palipasin ang kasaysayan. Hindi madali dahil alam mo na marami sa mga dating umupo sa mga silya sa classroom ay may ginawa, may ginagawa na nakapagpa(pa)bago sa buhay ng marami. Kapag alam mo na ang kaunting pakikialam ay maaaring magahulugan ng kamatayan o buhay ng isang tao at kaligayahan ng isang pamilya, hindi madaling magpanggap.

Sa ngayon, magiging mapagpanggap ako kung sasabihin kp na di ko gusto ng maginhawang buhay. Gusto ko rin mapagsilbihan ang mga magulang at suportahan ang kaptid ko. Gusto ko rin ng comfort, convenience at security. Hindi malayong mangyari na magbago ang ihip ng hangin at magbago ang pananaw ko pagdating ng panahon. Posible na maging sellout ako anytime soon...dahil nakakapagod, nakakatakot at nakakalungkot ang maging ideal. Nakakapagod siguro subukang tumulong sa iba kung kailangan mo rin ng tulong. Nakakatakot na sa pagsubok na iangat ang iba ay ikaw ang lulubog. Nakakalungkot ang ideya na sa paglaban mo sa agos, may mga kasama kang mawawala sa'yo at tuluyang di mo na makikita. Minsan, parang mas safe at madali na sumabay na lang sa agos, na sumunod na lang sa convention, na gumalaw na lang para sa sariling pagunlad. Ayos din naman yun, ang pagpapaunlad ng sarili. Hindi nga lang madali na pagsabayin, sa parehong intensity.

Nasubukan ko rin yun dito sa UP- asikasuhin ang buhay ko lang. Ilang taon din ang ginamit ko para dun- pagenjoy ng sarili at pagenrich ng karakter. Naturtuhan kong maging independent at repsonsible. Kinailangan maging matapang, malakas ang loob at resilient para mabuhay nang malayo sa bahay sa loob ng walong taon. Mahirap pero fulfilling.

Sa mga taong yun naging uso at nakatulong sa akin ang paglabas kasama ng barkada at ang pagkamangha at pagmamahal sa ilang mga espesyal na nilalang. Maraming nadadagdag sa personality ang mga kaibigan- yung mga kalokohan at kalungkutang pinagdadaanan mo kasama sila. Lalo namang makulay ang kwento kapag meron ka ng kinakikiligan, iyong kasama mo sa pagdiskubre ng kalaksan at kahinaan na hindi mo nakilala bago kayo nagka-inlaban. Syempre, hindi lang naman sa UP Sunken Garden may ganun pero dakila lang talaga ang emotions dito sa Barangay UP eh. Iba ang ihip ng hangin. Parang mas malapit din ako sa Diyos kapag nandito ako. Dahil siguro sa mga dakila at matipunong puno sa Acad Oval o sa mala-space ship na simbahan.

Pwedeng exaggerated lang ako pero para sa akin iba talaga ang taga-UP pagdating sa pag-iisip, pananalita, kultura at puso. Akala siguro ng iba mahilig lang talaga tayo sa argumento. Sa tingin ko, ayaw lang natin maging idle at gusto natin laging up one level ang ideas. Mukha siguro tayong pasikat kapag nag-uusap usap. Hindi nila alam hindi natin kailangan o gusto ng pansin, dahil proud tayo kahit walang magbigay atansyon. Masyado sigurong aktibo ang UP sa pananaw ng iba. Nasa kultura na kasi natin ang makialam kahit madalas tayong misunderstood o nababansagang rebelde. Hindi kasi tayo komportable sa acquiescence. Bahala nang mabigo tayo at masaktan habang nasa struggle basta ang mahalaga nandun tayo. Kaya nga UP Fight eh.

Doon tayo hindi nauubusan, passion...passion for change. At dahil taga-Malcolm ako, longing for justice. Iyon ang hindi mawawala sa akin- heart of a UP scholar, kahit na hindi na ako makasakay ng Ikot, kahit di ako makapg-isaw, makapag-'critique' sa Film Center, at makapagFair sa matagal na panahon. Dahil sa mga bagay na natutunan at nakuha ko sa UP, I shall give back. My drive comes from my affiliation with it and my gratitude belongs to it. I love UP.

*Inspired by Mr. Ryan Cayabyab's speech, Graduation 2005

Friday, May 06, 2005

My Love Is King

Di mo alam, seryoso akong gusto kita. Gusto kita, dati pa. Akala mo kasi gaguhan lang tuwing sinasabi ko, "di nga, crush kita". Sabagay, kahit ako siguro ikaw, di ako maniniwala. Kasi nga naman, sino ba namang matinong tao ang kayang magsabi sa taong gusto niya na ganun na nga. Sino nga ba? Ako. Ano bang problema dun?!

Huwag ka magkamaling magisip na ganyan ako sa lahat ng tao, kasi hindi. Sa'yo ko lang kaya gawin yun. Sa'yo lang ako komportable ipahalata na baka nga may pagtingin ako sa'yo. Peste ka kasi eh. Ang saya mo kasama. Ang galing mo magpatawa, without effort. Pinipigilan ko na nga minsan tumawa kasi baka masyado kang mabilib sa sarili mo... o baka masyado ako maaliw.

Alam mo ba, kahit lakad mo kabisado ko na. Kapag makita ko yung t-shirt na suot mo from afar, alam ko na kung ano sneakers mo. Kapag kumakanta ka pag nakatambay gusto ko yata matunaw. Kahit nagsasalita ka lang, naiisip ko kung gano kahusay ang mga magulang mo...nagpalaki sila ng isang nilalang na tulad mo. Kapag naka-polo ka gusto ko haplusin yung likod mo, napakaplantsado. Oi, wala akong balak manyakin ka 'no. Busilak ang layunin ko sa'yo. At least sa ngayon. Haha!

Hay naku, sana kasi baduy ka na lang, o mabaho, o corny. Sana madami kang pimples. Sana lampa ka pero hindi eh. Kairita ang skills mo sa sports. Sana sintunado ka. Eh puch*, lamig ng boses mo e. Kapag sinasabi mo ang pangalan ko parang ang galing pumili ng Mama ko ng pangalan, kahit sa kabila nang lahat ay sampung milyon yata kaming Kristine sa mundo. Kapag nagyoyosi ka parang gusto ko mainggit sa stick, lalo na wet smoker ka pa. Yuck, baliw na'ko. Sorry, kadiri yata yun. Baka matakot ka. Di naman ako stalker, promise. Syempre alam mo namn yun...sana.

The best part sa lahat nang pagkahumaling ko sa'yo ay yung epekto mo sa'ken at sa araw-araw ko. Mahirap ipaliwanag eh, pero you make me feel damn good about myself. Sobra. Dahil sa simpleng mga hirit mo sa'ken, sumasaya ako. Kahit papano kase, bilib ka sa'ken e. Ewan ko kung pinagbobola mo lang ako. Kung di mo siguro ako kilala, I will automatically dismiss the things you say as bull. Pero hindi, you know me inside out e. You see my strengths and weaknesses, kaya nga you can make me laugh and cry whe I need to. You stick with me kahit I make you feel unwelcome. You help me embrace my fears and insecurities kaya pag kinocomfort mo'ko, kapani-paniwala ka. Hay, bakit ba kailangan maging sakto ang katauhan mo sa mga pangangailangan ko?

Sa tingen ko nga alam ko rin kung ano ang kailangan mo eh, kaso di ka maniniwala. Ni hindi ko nga makumbinse sarili ko eh. Hayan, pinakawalan ko ang pagkakataon. I let you find refuge in another person. Di kayo bagay, gusto ko sabihin sa'yo yun. Onga, chick siya...eh di ka naman gwapo, di nga kayo bagay. Loko lang. =) Ang ibig ko sabihin, di ka kasi niya kilala eh. Yun nga lang willing ka kilalanin siya...at bigyan siya ng pagkakataong makilala ka. You take her seriously enough kaya okey lang sa'yo na maghintay, magrisk na hindi kayo magclick. Eh ako, you just don't realize how sincere my efforts are at trying to make you mine.

Akala mo kasi lahat sa atin biruan. 'Naknamannang...ano pa bang gusto mo makitang pruweba? Di pa ba halata sa kilos ko, sa pagkailang ko sa'yo. Di ko lang talaga kaya sabihin with a straight face. Di mo kase ako nakikita the way I see you. You don't know how badly I fell for you. Masyado kang malapit sa'ken you don't see what's really going on. Kung lalayo ba ako, magiging malinaw ang eksena? Aatras ako nang konti, baka sakaling makita mo...na ako talaga ang panalo sa puso mo. Ako talaga yun, maniwala ka, my love is king (o queen). Ayan na naman ako...dinadaan sa biro ang panliligaw sa'yo.

*Dar, pahiram ng 'Her love is king'
FICTION THIS IS, regardless of speculations that may brew.