moment of clarity

warning: this contains truth and fiction. the lines are meant to be extremely blurred.

Sunday, March 20, 2005

Sa Lawton, Kanina

...Alam n'yo bang piso na ang isang candy? Nagugulumihanan ako sa pangyayaring ito. Seryoso.

Thursday, March 17, 2005

AYOKO YATA NITO

Ayoko sa'yo kasi ang bango-bango mo kahit ilang oras ka nasa ilalim ng araw o nagbyahe. Ayoko sa'yo kasi ang ayos ng hati ng buhok mo, palagi. Ayoko sa'yo kasi laging makinang mata mo. Ang ganda pa ng ipin mo. At, ang crisp pa ng mga polo mo. Ano ka, manekin?! Kung hindi man, laging okey mga shirts mo...kahit simple man o loud. Nakakaasar ang makintab mong leather shoes at mga cool na sneakers. Huh, di pa tayo napakilala ayaw ko na talaga sa iyo.

Tapos, nakausap kita a few times, kapag bumibisita ka sa Diliman. Pinakilala ka yata sa'kin sa wall, nun Fair. Hindi ka naman pala suplado. Sabi mo hindi ka lang talaga friendly. Nahihiya ka makipag-usap kapag di mo ka-close. So, porke sinamahan mo'ko maghanap ng Guddam close na tayo? Anyway, sabi mo kahit sa office akala snob ka. Aba, pa-mysterious. Asar. Pero, to be objective, nakakatawa ka rin ha. At okey ka naman kausap. Nakakatuwa. Hindi, nakakaasar pala. Kasi parang ang konti lang nang sinasabi mo pero you make a lot of sense.

Gentleman ka pala, sabi ng common friends natin. Na-mention lang naman nila nung gumimik tayo sa Town Center. Hindi ko tinanong ha. Tapos, your best friend also volunteered the information na malambing ka, lalo na sa mama mo. Mabait ka rin daw na kuya. As if naman... baka imbento lang. Mahilig ka raw magsulat tsaka kumanta. Nasilip ko nga blog mo, pwede na. You sound mature and sensitive. Hindi ka kaya bading? Pero, nakita na kita mag-basketball eh, sa Manila. I have to say, mahusay ka...hindi, ayos lang pala.

Nyak, nagtext ka pala. Aba, "hi there! =)". Feeling close. Asar talaga! Sige na nga, reply ako, "hey...". Baka bumati ka lang o nagpa-cute, basa na'ko ulit ng kaso. Tagal mo mag-reply ha. "The element of evident premeditation is present...". Malapit na matapos, last paragraph na.

"Sorry 4 d late reply, had 2 do sumthn eh. By d way, u doin sumthn 2nyt? Yaya sana kita magkofi eh." Uhm, "nope, wer do u plan to go? aral ba tayo?". Teka,erase. Aral tayo? Eh ako lang naman nag-aaral, stupid. "We find the accused guilty beyond reasonable doubt..." Kadiri,di'ko alam reply ko. "Yep. am gna study...pero i wil stay out. pwede cguro magkofi," ayos na'to. Send. "Great. U liv near d church, d b? Can we meet there around 8pm? I'm going 2 d 7pm mass kse eh". Christian ka. Hmph, phony lang siguro.

Di ko alam ire-reply ko. Last sentence na pala, conclusion. "...sentenced to reclusion perpetua...". Oh man, tumatawag ka!
"Hello.."
"Hi. Did you receive my last message?"
"Ah, oo. Am, tinatapos ko lang kase yung case na binabasa ko eh." Shit, astig talaga diction mo. Swabe lang.
"Sorry to disturb you ha. Uhm, so, pwede ka ba tonight? I was actually gonna ask if you wanna go to mass with me eh. Okey lang ba?"
"Ha? I guess. Sige. See you 7pm sa adoration chapel. Hey, I have to go. See you na lang later."

Mag-panic ba talaga Kristina!!! Kakaiba 'to, di naman ako madali ma-intimidate ha. I am used to being tough, atsaka 'cool, calm and collected'. I kept my world stable and myself sane that way. I don't expect to meet someone who can change that...at least not this soon. Nakakainis ka talaga.

"...And to pay the fine in the amount of..." Ano kaya isusuot ko? Ano bang dadalhin kong readings mamaya? Makakapagbasa ba talaga ako kapag kasama kita? Peste naman kasi eh, istorbo ka. Pampasira ka ng sked, palibhasa wala ka naman ginagawa after work. Hmm, wow, makikita kita. Date ba'to? Bagay ba tayo...

Ayoko talaga sa'yo, perpekto ka kasi para sa'kin eh. Hindi yata pwede 'yon. Wala pa'kong nakikitang ganun. Naalala ko sabi ko, "I need someone who can destroy my world without destroying me". Yuck, nakilala ko na yata ang makakagulo ng kaayusan ng mundo ko. Gusto na yata kita pero ayoko yata nito. "So ordered."

an attempt at writing FICTION