moment of clarity

warning: this contains truth and fiction. the lines are meant to be extremely blurred.

Friday, July 15, 2005

Messianic

Isa kang palalo na walang alam kung hindi magpa-pogi. Ayaw mo magseryoso kasi alam mong hungkag ang katauhan mo. Walang saysay ang subuking ipaintindi saýo ang konsepto ng responsibilidad. Ang tanging bagay na tumatawag sa atensyon mo ay yung mga kumikinang, maingay at kasing babaw ng pag-iisip mo. Pero, teka lang, hindi ka lang pala mababaw...makitid din. Sanay ka sa panandaliang tagumpay, samahang walang pundasyon at pakikitungong walang sinseridad. Bagay ka sa politika. Wala kang matatag na plataporma. Walang long-term plans. Walang prinsipyo. Pinaiiral mo ang maling aspeto ng utang na loob. Gusto mong pumosisyon hindi para makatulong o magsilbi. Nandiyan ka lang para maisakatuparan ang ambisyong dala ng mataas na tingin sa sarili- puro ka lang yabang. Akala mo yata ikaw ang solusyon sa dalamhati ng lahat. Nabuhay ka kasi sa paniniwala na ikaw lang ang may talino, lamang ka sa talento at hindi iikot ang mundo nang wala ka. Sayang, akala ko hindi pa huli ang lahat. Umasa akong malalampasan mo ang temptasyon na manatiling inutil at mapagpanggap. Hindi pala. Kaya naman ngayon, panahon na para aminin mo sa iyong sarili na wala ka nang silbi sa akin. Hindi ikaw ang tagapagligtas. Dinala ka lang dito ng sarili mong ere na siya ring luminlang saýo nang makumbinsi ka na ikaw ang sugo. Pare ko, kahit ang mga pantas at henyo ay pumapalpak. Ang mga santo ay nagkakasala at bukal na nagsisisi. Ang mga bituin ay may hangganan ang pagkinang. Bumaba ka na mula diyan, hindi diyan ang langit na hinahanap mo. Panahon na para matauhan ka...o nakalimutan mo na bang tao ka lang?

(sociopoliticolegal ramblings)

Tuesday, July 12, 2005

Embracing the Current

Pressed against the sea of murky
emotions, I
resolve to finally get
you out of my
ocean and hope
not to take the bait
of our mystery no longer.

Because the story of us
has failed to sustain
the passion for togetherness.
Groping in the dark waters
has rendered fear lame and uncertainty
constant, as we repeatedly
swim away and towards oneness.

Almost always but never
touching the core
of the other's being
and the essence of this union-
you and I - we let
this crazy emotion draw us near
and drown sanity out.

Rain kisses my sorrow
as the temporary bliss sinks with hope.
The mighty sun holds your heart
as your desire for me floats away.
We are no longer able to hold back
the tide
any more than we can
fight against the turbulent
end of a stubborn love.

It is time I swim back to shore,
where I am safe
though without solace
and leave you here as you hesitate.
I cannot wait on you to rescue me.
The sun will soon dry up the sea,
There is wisdom in embracing the current
even as it draws us apart.

<

Friday, July 01, 2005

Nagiba na nga ba?

Akala mo siguro siya pa rin yung dati mong kilala. Sana nga pero marami nang nagbago. Halimbawa, hindi na blue ang paboritong kulay ni Tinx. Hindi na siya patpat. Masipag na siya maglakad ngayon, hindi na masyado mahilig magtaxi. Nagja-jog pa nga eh (seasonal nga lang).

Sawa na siya sa napaka-volatile na politika ng Pilipinas. Marunong na siya magalit. Hindi na masyado mahilig sa tsokolate. Kaboses na ng Mama niya. Haba na buhok. Naglilinis na madalas ng kwarto. Lagi nang may dalang jacket.

Hindi na mabilis ma-in love 'tong si Kristine. Gusto na talaga maging abogado, hindi na 'just because I can'. Medyo evil na siya ngayon, sa mga paraang di mo inakala kahit sa hinuha man lang. Hehe. =)

Bagamat may mga bagay na nananatiling pareho. Antukin pa rin siya. Matakaw sa kanin. Tamad magbasa. Pilit pa ring nagsusulat. Carpenter legs, gaya ng dati. Jeans, shirts and sneakers pa rin ang paboritong outfit. Hindi nagdadala ng payong. Nananakit pa rin ng katabi kapag tumatawa. Hindi pa rin madali umiyak. Mahilig kumanta habang nagbbyahe, walang kasawa-sawa. Mahilig sumayaw. Panalo pa rin sa puso ang swimming, lalo na sa beach.

Mahal pa rin ni Ten ang UP. Mahal na mahal pa rin niya ang kapatid at mga pinsan. 'Pakialamera' pa rin at mapag-isip. Kinikilig pa rin kapag sinasabi ng crush ang kanyang pangalan . Faithful pa rin sa mga kaibigan.

Lamigin pa rin at emosyonal. Comforting sa kanya ang beer...pale pa rin ang da best. Ginebra fan hanggang ngayon. Mapagpanggap na strong, at maniwala ka, napapagod din siya sa ganun. Higit sa lahat, paborito pa rin daw siya ng Diyos...at dakila pa rin ang araw-araw para sa kanya .