moment of clarity

warning: this contains truth and fiction. the lines are meant to be extremely blurred.

Friday, May 06, 2005

My Love Is King

Di mo alam, seryoso akong gusto kita. Gusto kita, dati pa. Akala mo kasi gaguhan lang tuwing sinasabi ko, "di nga, crush kita". Sabagay, kahit ako siguro ikaw, di ako maniniwala. Kasi nga naman, sino ba namang matinong tao ang kayang magsabi sa taong gusto niya na ganun na nga. Sino nga ba? Ako. Ano bang problema dun?! 

Huwag ka magkamaling magisip na ganyan ako sa lahat ng tao, kasi hindi. Sa'yo ko lang kaya gawin yun. Sa'yo lang ako komportable ipahalata na baka nga may pagtingin ako sa'yo. Peste ka kasi eh. Ang saya mo kasama. Ang galing mo magpatawa, without effort. Pinipigilan ko na nga minsan tumawa kasi baka masyado kang mabilib sa sarili mo... o baka masyado ako maaliw. 

 Alam mo ba, kahit lakad mo kabisado ko na. Kapag makita ko yung t-shirt na suot mo from afar, alam ko na kung ano sneakers mo. Kapag kumakanta ka pag nakatambay gusto ko yata matunaw. Kahit nagsasalita ka lang, naiisip ko kung gano kahusay ang mga magulang mo...nagpalaki sila ng isang nilalang na tulad mo. Kapag naka-polo ka gusto ko haplusin yung likod mo, napakaplantsado. Oi, wala akong balak manyakin ka 'no. Busilak ang layunin ko sa'yo. At least sa ngayon. Haha! Hay naku, sana kasi baduy ka na lang, o mabaho, o corny. Sana madami kang pimples. Sana lampa ka pero hindi eh. Kairita ang skills mo sa sports. 

Sana sintunado ka. Eh puch*, lamig ng boses mo e. Kapag sinasabi mo ang pangalan ko parang ang galing pumili ng Mama ko ng pangalan, kahit sa kabila nang lahat ay sampung milyon yata kaming Kristine sa mundo. Kapag nagyoyosi ka parang gusto ko mainggit sa stick, lalo na wet smoker ka pa. Yuck, baliw na'ko. Sorry, kadiri yata yun. Baka matakot ka.

 Di naman ako stalker, promise. Syempre alam mo namn yun...sana. The best part sa lahat nang pagkahumaling ko sa'yo ay yung epekto mo sa'ken at sa araw-araw ko. Mahirap ipaliwanag eh, pero you make me feel damn good about myself. Sobra. 

Dahil sa simpleng mga hirit mo sa'ken, sumasaya ako. Kahit papano kase, bilib ka sa'ken e. Ewan ko kung pinagbobola mo lang ako. Kung di mo siguro ako kilala, I will automatically dismiss the things you say as bull. Pero hindi, you know me inside out e. You see my strengths and weaknesses, kaya nga you can make me laugh and cry whe I need to. You stick with me kahit I make you feel unwelcome.

 You help me embrace my fears and insecurities kaya pag kinocomfort mo'ko, kapani-paniwala ka. Hay, bakit ba kailangan maging sakto ang katauhan mo sa mga pangangailangan ko? Sa tingin ko nga alam ko rin kung ano ang kailangan mo eh, kaso di ka maniniwala. Ni hindi ko nga makumbinse sarili ko eh. 

Hayan, pinakawalan ko ang pagkakataon. I let you find refuge in another person. Di kayo bagay, gusto ko sabihin sa'yo yun. Onga, chick siya...eh di ka naman ganoon kagwapo, di nga kayo bagay. Loko lang. =) Ang ibig ko sabihin, di ka kasi niya kilala eh. Yun nga lang willing ka kilalanin siya...at bigyan siya ng pagkakataong makilala ka.

 You take her seriously enough kaya okey lang sa'yo na maghintay, magrisk na hindi kayo magclick. Eh ako, you just don't realize how sincere my efforts are at trying to make you mine. Akala mo kasi lahat sa atin biruan. 'Naknamannang...ano pa bang gusto mo makitang pruweba? Di pa ba halata sa kilos ko, sa pagkailang ko sa'yo. Di ko lang talaga kaya sabihin with a straight face. Di mo kase ako nakikita the way I see you. You don't know how badly I fell for you. Masyado kang malapit sa'ken you don't see what's really going on.

 Kung lalayo ba ako, magiging malinaw ang eksena? Aatras ako nang konti, baka sakaling makita mo...na ako talaga ang panalo sa puso mo. Ako talaga yun, maniwala ka, my love is king (o queen). Ayan na naman ako...dinadaan sa biro ang panliligaw sa'yo. *Dar, pahiram ng 'Her love is king' FICTION THIS IS, regardless of speculations that may brew.

1 Comments:

At 10:43 AM , Anonymous Anonymous said...

hi.been checkin' on all your blog entries..i sooo love your work!lalo na 'to. ;0)ros here

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home