moment of clarity

warning: this contains truth and fiction. the lines are meant to be extremely blurred.

Friday, September 03, 2004

Kagulat Ka

Nakakagulat pala talaga ang mga pagbabago na dala ng ilang taong di pagkikita. Matindi. Tipong, "Ikaw ba yan?". Ikaw nga ba talaga yun? Parang ibang tao kasi yung nakita ko at nakausap. Hindi naman sa hindi kapani-paniwala pero astig lang. Alam mo yun?

Mahusay ang naging pagbabago mo. Mas matikas ka na ngayon, hindi na tipong matatangay ng hangin. Hindi ka naman naging 'macho' na nakakadiri. Matipuno na tama lang, seksi kumbaga. Pero di ko naman masasabing highly improbable yun mangyari noon, noong totoy ka pa lang. Basta pwede ka na ngayong sandalan, lalo na sa gitna ng balikat at braso.

Sa maikling usapan natin, nahinuha ko na prinsipyado ka na ngayon. Ikaw na yung tipong nagmumuni-muni sa gabi bago matulog. Siguro may mga plano ka na para sa hinaharap, handang sumagot sa mga interview questions tulad nang, "How do you see yourself five years from now?". Siguro planado mo na ang maraming bagay, di tulad dati na pagpili lang ng ulam para sa lunch hirap ka pa mag-decide. Mukha kang level-headed person ngayon. You seem to be in control of your life.

Confidence, yan ang meron ka ngayon na hindi kapansin-pansin dati. Nahalata ko yan nung nakipagusap ka sa akin na walang kakurap-kurap. Kapag nagsasalita ka in response to my questions, tipong without hesitation. Alam na alam mo na ngayon pa lang kung ano ang gusto mo pagipunan, kung saan mo gusto tumira, at kung anong klaseng buhay ang gusto mo. Ikaw ba talaga yan? Dati mahilig ka lang magbasketball at magpatawa, tapos mag-burger bago umuwi.

Malapit na tayo maghiwalay nang malaman ko na marunong ka pa rin palang magsaya. Kapag weekends gumigimik ka pa rin pala. Once a week nagba-basketball ka pa rin. Tinanong mo pa nga ako, "magaling ka pa rin ba mag-tres?". Sabi ko oo. Sabi mo, "Syempre, ako nagturo sa'yo ng follow-through mo e." Napangiti ako. Napapangiti mo pa rin ako hanggang ngayon.

Paalis na ako pero ayaw ko pa. Na-miss pala kita. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagkikita. Nasanay na ako na hindi ka nakakausap. Noong una, nahirapan ako na di ka nakakasama, close friends kasi tayo. Noong umalis ka pinilit ko gumawa ng bagong memories na hindi ka kasama. Naghanap ako ng ibang mga kasama kumain, magsimba, manuod ng sine at magbasketball sa court kapag walang games. Nang tumagal naging madali na lang para sa akin na di ka maisip, hanggang sa nagkaroon ako ng Friendster account.

Sa Friendster, hinanap kita ng maraming beses, paulit-ulit. Wala ka naman dun e. Yan, yan ang bagay na hindi ko nasabi sa'yo bago tayo tuluyang maghiwalay ulit. Di ka pa naman ganun kalayo, pwede pa kitang tawagin. Pwede pa kong tumakbo papunta sa direksyon mo at tanungin ka, "Ano na pala number mo ngayon? Dun ka pa ba nakatira? Pwede ba tayo magkita ulit?". Ang dami kong gusto itanong. Ang dami kong dapat itanong, at sabihin. Pero tanga ako...wala akong nasabi, wala akong nagawa. Nakatanga akong naglakad papalayo. Parang dati, noong papaalis ka na pero di ka magpapaalam sa akin. May tampuhan kasi tayo noon. Di naman ako nakontento na hindi tayo makapagapaalam sa isa't-isa. Ang layo kaya ng pupuntahan mo, ang tagal mo kayang mawawala. Baka nga hindi na kita makita.

Ngayon, nakita na kita ulit pero anong nangyari? Wala. Dumating ka ulit sa buhay ko pero nawala ka na naman na parang bula. Kaninong kasalanan? Wala, walang may kasalanan. Pero katangahan talaga na di kita kinausap nang mas matagal, na hindi ko sinabing gusto kita makita ulit, na hindi ko sinabing, "Oo nga pala, minahal kita".

Masyado na akong maswerte kung makita pa kita ulit. Masyadong marami na akong prinaktis na gusto ko sabihin sa harap mo. Masyado lang kasi akong natatameme kapag nandyan ka na e. Sa susunod kasi, huwag mo ako masyado gulatin para di ako matanga.

(Medyo FICTIONAL 'to ha.)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home