ember
september finally ended and i woke up at the foot of mayon. well, almost...i had the privilege of staying some eight kilometers away from the majestic. ang ganda talaga, parang panaginip na parang painting. sa kabila ng kawalan ng kuryente at pananalanta ng bagyo hindi man lang nabawasan ang pagkamangha ko sa Bicol, at sa Mayon. salamat kay che at sa kanyang pamilya, andaming nakakaaliw at bibong chikiting at matinding bogchi. pero ang pinakanakahuhumaling talaga ay ang surreal na eksena, umaga man o gabi.
maswerte ako dahil naabutan ko pa ang crater glow. panalo talaga yung pakiramdam habang nakatanghod sa liwanag sa tuktok ng bulkan. ang lamig pa ng hangin galing sa dagat. napakabilis lang nung experience pero ecstatic ang pakiramdam, parang on drugs. alam ko paulit-ulit lang ang sinasabi ko pero that shows how or what i am now...in awe, in love with the Albay night. tapos, sa umaga naman, ang backdrop nung tatsulok ay asul, pula at kahel. sakto sa pagmumuni-muni, kasing sanguine ng emosyon.
sana makabalik ako dun ulit, next time may dala ng camera. magja-jog ako sa dalampasigan. nung weekend naupo kami sa breakwater at ninamnam ko ang kadiliman at ang contrast na dala ng kalayo sa mga kalapit na bahay. sa susunod makukunan ko na ng litrato ang simbahang gawa sa adobe, ang sentro, at ang komunidad na ang kultura ay kasing yaman ng edad nito. biruin mo, naitatag ang pamayanan na iyon nung 1749 pa. amazing, di ba?
mabilis na natapos ang affair with Mayon, nag-umpisa at natapos sa loving from afar. pero panalo talaga, andami kong napakawalan at iniwan na sama ng loob at pagod sa biyahe. andaming napulot at natutunan tungkol sa sarili sa bakasyon. at ngayon, nandito ako ulit...looking forward sa mga bagay na hindi ko man lubusang marurok ay patuloy kong inaasam, sa mga mala-bundok na pagkakataong nakakatakot subukin pero exciting na akyatin.
fight na ulit! =)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home