balagoong
andami na nagsabi sakin, "baka gusto mong next year na lang magtake". hmm, kung pag-iisipan ko talaga nang matindi yan, may saysay naman yung ganung suhestyon. lalo na kung manggagaling sa mga taong nakakakilala talaga sa'yo at nakakaalam ng mga pinagdaanan mo. salamat rai at andrea sa lakas ng loob na kwestyunin ang kahibangan ko na maglakas ng loob. at ngayon, mas desidido na nga ako. dahil hindi naman ito tungkol lang sa kung gaano ako kahanda. malaking bagay rin kasi sa usapin na ito ang, "saan pa bako pupunta?"
kahit ano pang ibato sakin ngayon, tatawanan ko na lang e. sobrang manhid na siguro ako. o mas maganda sabihin na mas matatag na kasi ako ngayon. walang pagpapanggap.tanggap na lang ng tanggap, wala nang tanung tanong. hindi ko man maintindihan kung anung silbi ng lahat ng kaguluhan, masaya na lang akong malaman na masyado akong matapang para sumuko nang ganun-ganun na lang. sabi nga ng professor ko, "what is this snaffu all about?"
wala akong maisagot, kahit sa tanong na "bakit ka pa magte-take ngayon?" i just feel i should. di ko naman nararamdaman na papasa ako. hindi naman din ako hangal na tatalon na lang dahil lang sa pride. alam mo ba yung pakiramdam na parang sobrang olats ka na sa laro pero game ka pa rin? kasi mas gagaan ang pakiramdam mo kung sinubukan mo kahit na balagoong ka pa, dahil nga umpisa pa lang lampa ka na? yung tipong silent dignity of someone tired yet not defeated. ganun. wala nang tanung tanong, basta fight na lang.
makailang beses mang tingnan, hindi na nga talaga lohikal itong desisiyon na'to e. pero maraming bagay ang hindi naipapaliwanag nang rasyonal na pag-iisip. kaya mungkahi ko na lang sa mga kaibigan ko na nagugulumihanan, basta samahan nyo na lang ako kapag panahon na nang paghuhukom, abogado o hindi...hindi naman habangbuhay na lang taya, di ba? di ba! :) pero, habang may buhay pwede tayo mag mahaba-habang kwentuhan..at inuman.
(was about to delete this entry. then,i realized a lot of you send support and prayers my way...thanks.)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home