moment of clarity

warning: this contains truth and fiction. the lines are meant to be extremely blurred.

Saturday, June 18, 2005

Hinubog ng Ulan

Dahil sa dumalaw na naman ang tag-ulan,
Naisip kita at ang mukha mo.
Sa pagsalit ng kulog at kidlat
Pinangarap kong mahawakan ang kamay mo.

Sa kabila ng lamig, dilim at takot,
Napadama ang init, ibinahagi ang liwanag
At pinawi ang takot; Tinuligsa ang yabang
Hanggang sa nagkaisa ang mga bisig.

Sa kinang ng mga mata, nangusap.
Natuklasan ang masalimuot na mga damdamin-
Poot sa nakaraan at pasasalamat sa pagkakataong
Puksain ang pangungulila at pagkabalisa.

Hala, napukaw na ang tinabunang pananabik
Sa tahimik na pagdadampi ng mga katawan at labi.
Yinakap kong muli ang iyong hubog at tamis.
Tinanggap ang kahinaan na bumuhos kasama ng ulan.


(Masalita, komplikado at maraming kakulangan...
maihahalintulad sa mayakda. Umuulan na naman, sarap)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home